-- Advertisements --

NAGA CITY – Muling nagpalabas ng mga bagong panuntunan ang lokal na pamahalaan ng Naga para sa mga nagbabalak na umuwi sa syudad galing sa labas ng Bicol Region.

Batay sa bagong protocols na ibinaba ng lokal na pamahalaan ng Naga nakapalaman dito na kailangang magpakita ng valid ID, eSalvar QR code gayundin ng travelers pass registration ang sinuman na babyahe papasok sa lungsod.

Ang naturang mga dokumento ay ipapakita sa Naga City Screening Team na ipinadala sa entry border sa Del Gallego, Camarines Sur.

Ayon pa dito, bago bumiyahe pauwi dapat ay naka register na sa nasabing travelers pass registration gayundin sa eSalvar QR code.

Samantala, kung gusto naman umano na ma-exempt sa 14-days quarantine dapat na makapagpresenta ang mga ito ng valid negative RT-PCR test result (saliva test result) na prinoseso ng Philippine Red Cross.

Para naman sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno dapat na makapagpresenta rin ng travel order at approved itinerary bago payagan na makapasok.

Paalala pa ng mga ito na kung sakaling makarating na sa lungsod, agad na makipag-ugnayan sa kanilang mga Barangay Health Emergency Response Team.