General Val De Leon
PBGen. Valeriano de Leon/ FB image

CEBU CITY – Nagbabala ang bagong director ng Police Regional Office (PRO)-7 na walang kalalagyan sa headquarters ang mga police scalawags.

Sa isinagawang turnover ceremony sa Camp Sergio Osmeña, sa Cebu City, sinabi ni PBGen. Valeriano de Leon na sa kanyang panunungkulan ay hihigpitan pa ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga, krimen, at kurapsyon.

Ayon kay de Leon, dapat sundin ng mga pulis sa PRO-7 ang chain of command upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa Central Visayas.

Hiling naman ngayon ng bagong PRO-7 director na ipanumbalik ng susunod na PNP chief ang imahe at moralidad ng mga pulis.

Samantala, ikinatuwa naman ng officer-in-charge ng PNP na si PLt. Archie Gamboa ang bagong assignment ni de Leon dahil sa kanyang mga track record.

Nagpapasalamat na ito sa dating PRO-7 Director na si PBGen. Debold Sinas dahil itinaas nya ang standards ng leadership.

Pinayuhan naman ni Gamboa ang mga pulis sa PRO-7 na mananatiling tapat at ipakita ang dedikasyon sa serbisyo.