Inihayag ng Malacañang ang ilang criteria na hinahanap ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa susunod PNP (Philippine National Police) chief kapalit ng nagbitiw na si Gen. Oscar Albayalde.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, isa rito ang pagiging matapang dahil hindi magbabago ang tindi ng kampanya ni Pangulong Duterte laban sa iligal na droga.
Ayon kay Sec. Panelo, dapat din ay tapat at competent o may kakayahang gampanan ang mabigat na tungkulin.
Ilan sa sinasabing nasa shortlist na naisumite na kay Pangulong Duterte na pinagpipiliang posibleng maging kapalit ni Albayalde ay sina Police Lieutenant General Archie Gamboa, Police Lt. Gen. Camilo Cascolan at Police Major Gen. Guillermo Eleazar.
“Honest and competent. Palagi naman ganyan siya sa lahat ng appointees niya eh – he wants an honest man and he wants a competent person,” ani Sec. Panelo. “Ay siguro kasama iyon, kailangan iyong matapang iyong mag-i-enforce ng batas.”