-- Advertisements --

Sugatan matapos saksakin ang alkalde ng isang bayan sa Germany.

Dinala sa pagamutan ang 57-anyos na si Iris Staltzer ang babaeng alkalde ng Herdecke City.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad pinasok ng hindi pa nakilalang mga suspek ang bahay ng alkalde.

Si Staltzer ay nasa partido ng Social Democratic Party (SPD) at ito ay nahalal noong Setyembre 28 kung saan nakatakda itong pormal na umupo sa puwesto ng Nobyembre.

Agad naman na nagpatawag ng masusing imbestigasyon si German Chancellor Friedrich Merz sa nangyaring insidente.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pinaka motibo ng nasabing pananaksak sa bagong halal na alikalde ng lungsod.