CENTRAL MINDANAO- Binisita ni Cotabato Governor Nancy Catamco ang bagong Covid Isolation Hospital ng probinsya.
Ito ay ang bagong annex building ng M’lang District Hospital.
Kumpleto na ang mga isolation rooms na pwedeng gamitin at may sarili itong mga palikuran.
Mayroon itong Molecular Laboratory na naglalaman ng 15M halaga ng RT-PCR o Reverse Transcriptase Polymerase Chain Reaction machines na may kapasidad na makapaglunsad ng 1,000 RT-PCR tests kada araw.
Kumpleto ang pasilidad, mayroong mobile X-ray machine at ventilators.
May delivery room na rin para sa mga pasyenteng nagdadalang tao.
Planado at maayos narin ang mga palisiya at sistema magmula sa pagdating ng pasyente, sa pagdekontamina, at mga doktor at staff na mag-aasikaso sa kanila.
Naitayo na rin ang frangible fences o bakod.
Nakapag isyu na ng sertipikasyon ang Department of Health para sa nasabing pasilidad at maaari ng gamitin. Kasama ng Gobernadora si PIATF ICP Head BM Philbert Malaluan, Dr. Joel Sungcad, IPHO Chief Dr. Eva Rabaya, Dr. Neil Humfrey Laquihon at mga kawani ng Mlang District Hospital.