Reading Time: 1 minute
Banwa Resort
Banwa Resort

Marami ang nagtaas ng kilay sa bagong bukas na private resort sa Palawan.

Ito ay kasunod ng presyo ng isang gabi sa resort na nagkakahalaga ng $100,000 o mahigit P5.2M.

Ang bagong bukas na Banwa Private Island ay matatagpuan sa Palawan na itinuturing na “truly private island”.

Kayang pumuno ang resort ng hanggang 48 katao kung saan mararating lamang ito kapag sasakay ka ng helicopter o eroplano.

Itinuturing na ang nasabing resort ay siyang pinakamahal sa bansa dahil hindi sila papayag na isang araw lamang manirahan ang interesado dito at sa halip at dapat tatlong araw.