TACLOBAN CITY – Gitgitan ang naging resulta sa botohan sa dalawang kandidatong alkalde sa bayan ng San Isidro, Leyte.

Ito ay matapos na makakuha ng isang lamang na boto ang nanalong mayor na si Wingbebot Veloso laban sa katunggali nitong si Susan Ang, incumbent mayor ng naturang bayan.

Nakalikom ng aabot sa 8,829 votes si Veloso samantala 8,828 na boto naman para kay Ang.

Bago pa man ang eleksyon ay naging mainit ang pulitika sa naturang bayan kung saan ilang insidente ang naitala partikular na ang pananambang sa kapatid ni Veloso na masuwerte namang nakaligtas.

Sumunod na insidente naman nito ang pagkamatay ng municipal administrator ng San Isidro na si Levi Mabini matapos pagbabarilin sa tapat ng bahay ni Susan Ang.

Pinaniniwalaan ding ang naturang biktima ay dating staff ni Board Member Piamonte at Allan Ang na asawa naman ni Susan Ang.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy kung may kinalaman sa eleksyon ang naturang insidente.