-- Advertisements --

Patuloy pa rin ang ginagawang paghahanda ng Commission on Election para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, na hanggang hindi pa na-veto o napirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang panukalang batas na nagsusulong ng pagpalibang ng BSKE ay tuloy-tuloy din ang kanilang paghahanda.

Inaasahan na rin nito na may ilang grupo ang magkukuwestiyon sa Korte Suprema sakaling ipagpaliban ang BSKE.

Hanggang walang batas na nagpipigil sa BSKE ay tiniyak ni Garcia na tutupad sila sa kanilang tungkulin.