-- Advertisements --

Patuloy pa umanong pinag-aaralan ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) ang posibleng pagpayag na sa backriding sa mga pribadong motorsiklo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kabilang sa ikinokonsidera ng IATF ang sample prototype na iprinisinta ni Bohol Gov. Arthur Yap kung saan may acrylic divider sa pagitan ng driver at backrider.

Ayon kay Sec. Roque, hindi naman kasali sa pinag-uusapan ang mga motorcycle taxis gaya ng Angkas at JoyRide dahil wala silang prangkisa at natapos na ang pilot study.

Bago aprubahan ang backriding sa motorsiklo, dapat umanong matiyak ang safety at health protocols.