Isang babaeng pulis ang pinakahuling nasawi dahil sa Covid-19 kung saan sumampa na sa 30 ang kabuuang death toll sa Philippine National Police (PNP).

-- Advertisement --


Ayon kay PNP ASCOTF Commander Lt.Gen. Guillermo Eleazar, ang latest casualty bilang isang 32 taong gulang na babae administrative staff mula sa NCRPO na namatay sa Acute Respiratory Distress Syndrome dahil Sa Covid 19, matapos na sumailalim sa cesarian operation.

Iniulat din ni Eleazar na bumaba ang aktibong kaso ng Covid 19 sa PNP as of Sunday nasa 563 kumpara nuong kamakalawa na nasa 649.

Ito’y matapos na makapagtala ang PNP Health Service ng 135 recoveries at 50 bagong kaso as of 6pm kagabi.

Pinakamarami sa mga bagong kaso ang nagmula sa Police Regional Office (PRO) 7, na may 14 na kaso.

10 bagong kaso naman ang iniulat sa PRO Cordillera; tig apat sa National Support Units, PRO 2, at PRO 4A; tig-tatlo sa PRO 9, at PRO 11; tig-dalawa sa NCRPO, PRO 3, at PRO Bangsamoro Autonomous Region; habang tig-isa sa PRO 8 at PRO 10.

Iniulat din ng PNP Administrative Support to Covid 19 Operations Task Force (ASCOTF) na nadagdagan ng isa ang bilang ng mga tauhan ng PNP na namatay mula Sa covid 19.

Mula nang magsimula ang pandemya ay umabot na sa 10,481 tauhan ng PNP ang tinamaan ng Covid 19, kung saan 9,888 ang nakarekober at 30 ang nasawi.