-- Advertisements --
Pumanaw na ang babaeng matapos na mabaril sa ulo sa anti-coup protest sa Myanmar.
Dalawang araw bago ang kaniyang kaarawan ay nasugatan si Mya Thwe Thwe Khaing.
Sinasabing mula sa bala ng baril ang kumitil sa buhay ng biktima ng buwagin ng kapulisan ang mga nagsasagawa ng kilos protesta.
Siya ngayon ang itinuturing na unang protesters na nasawi mula noong nagsimula ang kilos protesta.
Ang nasabing pangyayari rin ay nagbunsod ng mas malawakang kilos protesta sa nasabing bansa.
Magugunitang kinuha ng militar ng Myanmar ang pamumuno sa gobyerno matapos na ikulong nila ang lider ng bansa na si Ang Sang Suu Kyi.