Arestado ng mga security forces sa probinsiya ng Sulu ang babaeng Indonesian suicide bomber kaninang ala-1:30 ng madaling araw sa Barangay San Raymundo sa bisa ng search warrant na inilabas ng Regional Trial Court ng Jolo, Sulu.
Kinilala ni JTF Sulu spokesperson Lt Col. Ronaldo Mateo ang nahuling suicide bomber na si Rezky Fantasya Rullie, aka Cici.
Kasamang nahuli ni Rullie ang dalawa pang babae sa bahay na pagmamay-ari ni ASG sub-leader Ben Tatoo.
Nakuha sa posisyon ng mga inarestong indibidwal ay umano’y suicide vest na may nakasabit na pipe bombs at iba pang mga improvised explosive device (IED) components.
Kasalukuyang nakakulong ang tatlong suspeks sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) Sulu Police Provincial Office.
Nakilala ang dalawa pang nahuli na mga babae na sina Inda Nurhaina, asawa ni ASG sub-leader Ben Tatoo att Fatima Sandra Jimlani, asawa ni Jahid Jam, na isang ASG member.
Ayon kay Brig Gen William Gonzales, commander of JTF Sulu matagal na nilang tinutugis ang nasabing banyagang terorista na isang suicide bomber.
Ayon kay Gonzales si Rullie ang pangunahing suspek na suicide bomber na kabilang sa listahan ng mga terorista na maglunsad ng suicide bombing.
Ang asawa ni Rullie na si Andi Baso ay isa rin umanong suicide bomber na nasawi sa enhkwentro laban sa mga sundalong Scout Ranger nuong August 29,2020.
Ayon naman kay Wesmincom chief Lt. Gen. Corleto Vinluan na ang pagkakaaresto kay Rullie ay patunay na hindi tumitigil ang security sector para ma, neutralize ang mga terorista na patuloy na naghahasik ng karahasan.
Sinabi ni Vinluan si Rullie ay anak ng mag- asawang Indonesian na nagpasabog sa Jolo Cathedral nong January 27,2019.
Ang grupo nina ASG leader Mundi Sawadjaan at Radulan Sahiron ang siyang nagkakanlong sa mga nasabing terorista.