-- Advertisements --

Inamin ni Atty. Michael Poa, tagapagsalita ng kampo ni Vice President Sara Duterte ukol sa impeachment na hindi pa sila ganap na makapagdiwang kahit na-archive na ang articles of impeachment sa panig ng Senado.

Ayon kay Poa, naka-focus pa rin sila sa pagsagot sa anumang direktiba ng kataas-taasang hukuman.

Matatandaang naghain ng motion for reconsideration ang House of Representatives sa SC noong Lunes ukol sa nasabing usapin.

Kaya naman, naniniwala si Poa na mahalagang hintayin ang final ruling ng korte sa mosyon ng Kamara.

Gayunman, naniniwala silang hindi na mababago ang desisyon ng mga mahistrado dahil matibay naman ang mga argumento ng kanilang panig.

Una nang sinabi ni Sen. Rodante Marcoleta na wala pa siyang nabalitaang desisyon ng SC En Banc na unanimous at kalaunan ay binaliktad ang sarili nilang pasya.