-- Advertisements --

LAOAG CITY – Patay ang isang babae matapos malunod sa ilog sa Sitio Kibakib, Barangay Subec sa bayan ng Pagudpud.

Ito ang kinumpirma ni Police Major Edward Santos, ang chief of police sa bayan ng Pagudpud.

Kinilala ni Santos ang biktima na si Rosalina Mariano, 49-anyos, walang asawa at residente sa naturang barangay.

Inihayag ni Santos na ang biktima pipi, bingi at may sakit na epilepsy.

Sinabi nito na base sa pamilya ng biktima ay palaging naliligo sa ilog ang biktima na malapit rin sa kanilang bahay.

-- Advertisement --

Nabatid na sa pagligo nito sa ilog kahapon ay nakita na lamang na palutang-lutang at sa pagresponde ng mga kasapi ng Municipal Health Officer at BFP rescue team sa bayan ng Pagudpud ay nadiskubre na patay na ito.

Dagdag pa ni Santos na base sa Municipal Health Officer ay wala umanong foul play sa pagkamatay ng biktima.