Kayaga B2
-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Brutal na pinatay ang isang babae sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Flor Igpo, 45-anyos, may asawa at residente ng Sitio Dunguan Barangay Ugalingan Carmen Cotabato.

Ayon sa ulat ng Kabacan PNP na natagpuan ang bangkay ng biktima sa gilid ng kalsada sa Barangay Kayaga Kabacan Cotabato.

Nagtamo ito ng maraming sugat sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan at ginilitan pa sa leeg.

Mismong mga residente ng Brgy Kayaga ang nagpaabot ng impormasyon sa pulisya sa bangkay ng babae na nakahandusay sa gilid ng kalsada.

-- Advertisement --

Posibleng pinatay ang biktima sa ibang lugar at itinapon lamang sa bayan ng Kabacan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Kabacan MPS sa naturang pangyayari.