Caught in the act
Photo © CartoonStock

CEBU CITY – Sa kulungan ang bagsak ng isang babae at sinasabing kalaguyo nito matapos umanong maaktuhan na nagtatalik sa Liloan, Cebu.

Itinago ang mga naaresto sa pangalang sina “Grace,” 38, at “Pablo,” 34.

Ayon kay M/Sgt. Jason Gayo ng Liloan Police Station, dumulog sa kanilang tanggapan ang asawa ng babae na isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa United Arab Emirates.

Ito’y matapos umanong mabatid ng mister na nagtataksil ang kanyang misis.

Batay sa impormasyon, nagpanggap ang mister na babalik na ito sa UAE at nagtago ng limang araw para manmanan ang kanyang asawa.

Dito na raw nito nakumpirma na may kalaguyo ito.

Sa ngayon, nahaharap sa kasong adultery ang dalawang nadakip.