Azkals
Azkals

Nabigo Philippine Azkals sa Syria 0-1 sa kanilang paghaharap sa round 2 ng joint qualifiers ng 2022 World Cup at 2023 AFC Asian Cups na ginana sa Dubai.

Bagamat talo ay naging maganda ang ipinamalas na laro ng Azkals kumpara noong sila ay natalo ng parehas na koponan 5-2 noong Setyembre.

Tanging si Ward Al Salama ang nakapagtala ng puntos para sa Syria sa loob ng 23rd minutes.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay tinalo ng Azkals ang Maldives 2-1 at China 2-1.

Nasa unang puwesto ang Syria sa Group A na mayroong 15 points na sinundan ng Azkals na mayroong 7 points.