-- Advertisements --

Lumabas na ang resulta ng awtopsiya na ginawa ng Philippine National Police – Aviation Security Group sa dalawang biktima ng car crash kamakailan sa Ninoy International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ayon sa Aviation Security Group ng Pambansang Pulisya, blunt force trauma sa ulo at spinal cord ang naging dahilan ng pagkakasawi ng isang 29 anyos na biktima.

Kasalukuyang nakalagak ang mga labi nito sa kanilang tahanan sa Hagonoy, Bulacan .

Blunt force trauma naman sa ulo at kaliwang lower extremities ng limang taong gulang na biktima na kasalukuyang pinaglalamayan sa Lipa City, Batangas.

Kung maaalala, isang SUV na minamaneho ng 47 anyos na lalaki ay bumangga sa Departure West Curbside Area ng naturang Paliparan.

Bukod sa dalawang nasawing biktima ay nagdulot rin ito ng pagkakasugat ng iba pang pasahero ng paliparan na nasa lugar ng mangyari ang insidente.

Matapos naman ang insidente ay kaagad namang inaresto ng mga otoridad ang suspect at nagnegatibo ito sa paggamit ng ilegal na droga at alcohol.

Nahaharap na ngayon sa kriminal na reklamo partikular na ang reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injuries at damage to property sa ilalim ng umiiral na Revised Penal Code ang naturang suspect.