Nick Kyrgios
Kyrgios/ Ig post

Posibleng patawan ng malaking multa si Australian tennis star Nick Kyrgios matapos ang ginawa nitong pagwawala ng patawan ng penalty sa Italian Open.

Dahil sa insidente ay na-forfeit ang kaniyang second-round match laban kay Casper Ruud ng Norway.

Nabigyan ng penalty ang 24-anyos na tennis star dahil sa pagmumura sa court.

Matapos nito ay sinipa niya ang bote, tinapon ang raquet at hinagis ang upuan sa court bago tuluyang umalis.

Hindi lamang ito ang unang beses na pagwawala ni Kyrgios dahil noong nakaraang Marso ay nakipag-away pa ito sa fans habang naglalaro sa Miami Open.

Inamin naman nito na magpapatingin siya sa psychologist para maresolba ang kaniyang mental behavior.