-- Advertisements --

Pumirma ang Australia ng $1.2 billion kasunduan para sa paggawa at pagbili ng nasa 85 million coronavirus vaccines.

Nakasaad sa kasunduan na gagawa ang University of Oxford/AstraZeneca and the University of Queensland/CSL ng 84.8 million na bakuna.

Inaasahan na mayroon ng 3.8 million bakuna ang matatapos ng University of Oxford na siyang gagawa ng AstraZeneca Vaccine na darating sa Enero 2021.

Ayon kay Australian Prime Minister Scott Morrison na ang bakuna ay ipapamigay ng libre sa kanilang kababayan.

Nilinaw naman ni Australian Health Minister Greg Hunt na bagamat ang bakuna ay makakaligtas ng buhay ay hindi naman ito gagawing mandatory.