-- Advertisements --

Tiniyak ng gobyerno ng Australia na mabibigyan ng libreng COVID-19 ang lahat ng kanilang mamamayan.

Kasunod ito ng pagkakaroon na nila ng secured access sa potential na coronavirus vaccine.

Sinabi ni Prime Minister Scott Morrison, nakipagkasundo na sila sa Swedish-British pharmaceutical company na AstraZeneca para makatanggap ng COVID-19 vaccine na ginagawa sa Oxford University.

Dagdag pa nito na ang nasabing bakuna na ginagawa ng Oxford ay siyang pinaka-advance at nangunguna sa buong mundo.

Sakaling napatunayan na ito ay matagumpay ay agad silang gagawa ng bakuna para sa 25 million na Australians.

Nasa phase 3 na sa trials ang Oxford vaccine na posibleng matapos hanggang katapusan ng taon.

Magugunitang nasa limang bakuna na tatlo dito ay mula sa Western countries habang dalawa ang galing sa China ang nasa Phase 3 na ng trials.