-- Advertisements --
Nakatakdang bumisita sa Japan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa darating na buwan ng Mayo.
Ayon sa Malacañang na isasagawa ang apat na araw mula Mayo 26 hanggang 29.
Makakasama niya sa pagbisita na imbitasyon ng gobyerno ng Japan si First Lady Liza Araneta-Marcos.
Magsasagawa si Pangulong Marcos ng summit meeting kay Japanese Prime Minister Sanae Takaichi.
Inaasahan na tatalakayin ng dalawang lider ang mahigpit na ugnayan ng Japan at Pilipinas.
Kasama rin ang pulong nito sa mga negosyante ng Japan at mga Filipino community sa Japan.
Huling Pangulo ng bansa na bumisita sa Japan ay noon pang panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III noong Hunyo 2015.
















