tokyo
Australian Olympic

Desidido ang Australia na magpadala ng mga atleta sa Tokyo Olympics.

Ito ay kasunod ng banta na hindi matutuloy dahil sa coronavirus 2019 o COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Australian Olympic Committee chief Matt Carroll, na ginagawa nila ang kanilang makakaya para makamit ang pangarap ng kanilang altela na magtagumpay sa Olympics.

Umaasa sila sa naging pahayag ng organizers na bibigyan nila ng halaga ang kalusugan at kapakanan ng mga manlalaro.

Reaksyon ito ni Carroll matapos ang naging pahayag ni Australia’s chef de mission sa London 2012 Olympics na si Nick Green na malaki ang posibilidad na hindi matutuloy ang Olympics dahil sa COVID-19.