Umaabot na sa Southern Luzon ang epekto ng bagyong Auring.

Ito’y sa kabila ng paghina ng naturang sama ng panahon bago ang inaasahang landfall sa Caraga region.

Kaugnay nito, nakataas ang tropical cyclone wind signal number one (1) sa southeastern portion ng Masbate (Cataingan, Cawayan, Dimasalang, Esperanza, Palanas, Pio V. Corpuz, Placer).

Unang babala ng bagyo rin ang umiiral sa Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Cebu, Negros Oriental, Bohol, Siquijor, northern portion ng Negros Occidental (Bacolod City, Bago City, Cadiz City, Calatrava, Enrique B. Magalona, Escalante City, Manapla, Murcia, Sagay City, Salvador Benedicto, San Carlos City, Silay City, Talisay City, Toboso, Victorias City); Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao City, Camiguin, Misamis Oriental at Bukidnon.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 440 km East Southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.

-- Advertisement --

Kumikilos ito sa bilis na 15 kph habang dala ang lakas ng hanging 65 kph malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 80 kph.