-- Advertisements --

Pinayuhan ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque si Sen. Ronald Dela Rosa na humingi ng sanctuary sa Supreme Court.

Ngayong araw ay sinabi ni Roque na mayroon nang warrant of arrest laban kay Dela Rosa.

Bagaman hindi niya tinukoy na galing ito sa International Criminal Court (ICI), sinabihan niya ang dating Philippine National Police (PNP) chief na huwag magpapakidnap, at sa halip ay ipagpilitan niya ang kaniyang karapatan na madala muna sa isang Philippine court.

Sa sumunod na post ni Roque, pinayuhan niya si Dela Rosa na ‘mag-posas na lang siya sa loob ng kulungan, lalo na sa Supreme Court’.

Aniya, huwag na huwag dapat hayaan ng dating heneral na magpapadukot at sa halip ay humingi na ito ng sanctuary sa loob ng hukuman.

Sa kasalukuyan, wala pang tiyak na impormasyon kung nasaan si Sen. Ronald Dela Rosa.

Batay sa naunang rebelasyon ni dating Sen. Antonio Trillanes, nasa Davao City ang dating heneral, habang ayon naman kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, posibleng nasa Pampanga ang senador.