-- Advertisements --

Inihayag ng Department of Justice na posibleng magkaharapharap ang kaanak ng mga nawawalang sabungero at mga respondents sa reklamong kanilang inihain kamakailan. 

Kung saan kabilang rito ang negosyanteng si Charlie Atong Ang, Gretchen Barretto kasama nasa higit 50 pang mga indibidwal. 

Ayon kay Justice Assistant Secretary Mico Clavano, hindi malabo itong mangyari sapagkat pinaghaharap-harap naman sa panel of prosecutors ang mga respondents at complainants sa pagsasagawa ng preliminary investigation. 

Kabilang aniya ito sa kadalasang prosesong isinasagawa ng prosekusyon na siyang nakatalagang humawak sa naturang kaso. 

Kanyang ibinahagi ang pahayag kasunod ng maglabas na ng ‘subpoena’ ang Department of Justice sa nasa 60 mga indibidwal nasasangkot sa isyu ng pagkawala ng mga sabungero. 

Kaya’t kung maghahain man ang mga ito ng counter-affidavit ani Assistant Secretary Mico Clavano, kinakailangan nila itong isumite dito sa Department of Justice at hindi sa ibang lugar. 

Tanging panunumpa o sworn in lamang raw ang maaring isagawa sa ibang tanggapan o prosecutors office. 

Ngunit aniya’y ang pagpunta o hindi man nito sa Department of Justice para sa preliminary investigation ay ‘subject for approval’ pa ng prosekusyon. 

Binigyang linaw ng naturang tagapagsalita na ang panunumpa ay kinakailangan personal ipresenta ng mga respondents ang sarili sa pagsusumite ng counter-affidavit 

Samantala, inihayag naman ng kagawaran na makatitiyak umano ang magkabilang panig na magiging patas ito sa nagpapatuloy na imbestigasyon. 

Giit ni Justice Assistant Secretary Clavano, ang kanilang pag-iimbestiga ay nakabase lamang sa mga ebidensiyang layon lamang mailabas ang katotohanan.