-- Advertisements --

LAOAG CITY – Dumaan sa mahigpit na pagsasanay ang isang atleta para sa larong badminton upang matiyak na makakakuha siya ng medalya para sa 2025 Palarong Pambansa.

Ayon kay Zeus Cabras, atleta mula sa Cebu City na maraming istilo ang itinuro sa kanya ng kanyang coach upang siguradong magwawagi ito.

Sabi niya, pinag-aralan nila ang mga galaw ng kanilang magiging kalaban sa laro para malaman ang kahinaan nila.

Kaugnay nito, ipinaalam ni Mr. Tomas Pastor, Regional Sports Officer ng Central Visayas, mayroong kabuuang 860 na delegado mula sa Central Visayas habang mayroong 649 kabilang ang mga atleta, coaches at chaperone.

Mainit aniya silang tinanggap ng lalawigan ng Ilocos Norte mula sa Laoag International Airport hanggang sa dinala sila sa Billeting Quarters.

Sabi niya na magsasagawa sila ng pagsasanay sa mga playing venues, tatlong araw bago magsimula ang Palarong Pambansa sa Sabado.

Dagdag pa niya, sa nakaraang Palarong Pambansa ay nasungkit nila ang ikalimang pwesto kung saan karamihan sa mga sports na napanalunan nila ay basketball, volleyball, athletics at dance sports.