-- Advertisements --

Nagumpisa nang maglayag ang Atin Ito Coalition patungong West Philippine Sea para sa kanilang ikatlong civillian mission lulan ng MV Kapitan Felix Oca na siyang umalis nitog Linggo, pasado 6:00 am ng umaga.

Una nilang tatahakin ang patungo ng El Nido , Palawan kung saan gaganapin ang isang musical event para sa pre-departure ng mga volunteers.

Mula naman dito ay tutungo na ang kanilang ship sa general vicinity ng Pag-asa Island para naman sa isang sea concert para sa kapayapaan at pagkakaisa.

Ayon kay Atin Ito Convenor Rafaela David, layon ng mga concert na ito na buhayin ang diwa ng mga komunidad sa baybayin sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kanilang mga karanasan at hangarin at para rin pagyamin ang pagkakaisa ng bawat rehiyon at mangingisda.

Ani David, maglalayag silang dala ay mga awitin at kwentong kultural at kwento ng mga mangingisda at hindi gamit ng mga barkong pandigma at hindi rin para sa poot.

Samantala, nauna na dito ay tinatanggap ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine Navy (PHNAVY) ang mga suporta mula sa iba’t ibang mga civic groups na handang magpaabot ng kanilang tulong para sa naturang misyon.