Gaisano Mall General Santos City
(c) Mayor Ronnel Rivera FB page

GENERAL SANTOS CITY – Dinagsa ng mga apektadong empleyado ng Gaisano Mall of Gensan ang help desk ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) Quick Response Team matapos itong masunog.

Ginawa ito sa CSWDO na makikita sa Matalam road corner Roxas Avenue para magsagawa ng assessment at intervention.

Bawat isa sa mga mall employee ay kinunan ng pangalan at binigyan ng locators card .

Habang nakatakda namang magsagawa ng job fair ang LGU Gensan kasama ang isa pang mall sa lungsod para sa mga apektadong empleyado ng GMALL na gagawin sa Oktubre 23 sa New Brighton School of the Philippines.

Nalaman na mahigit kumulang sa 2,000 empleyado ang nawalan ng trabaho dahil sa pagkasunog ng mall matapos ang 6.3 magnitude na lindol nitong nagdaang araw.

Plano din magbigay ng tulong ang LGU para sa mga empleyado na nawalan ng trabaho.