Kinumpirma ni PRO1 Director Police Brigadier General Emmanuel Peralta na Asphyxia o kakapusan ng hangin ang ikinamatay ng artist na si Bree Jonson.
Ito ay base sa lumabas na initial findings sa autopsy na ginawa kay Jonson na natagpuang patay sa resort sa La Union noong Sabado.
” Ang causes ng asphyxia, pwede kang nagbigti, pwede kang ini-strangle mula sa likod o pwede kang sinakal mula sa harap o nalunod ka kasi di ka makahinga, naubusan ng hangin o kaya tinabunan ka ng unan habang natutulog ka o kaya yung ashma, di ka makahinga,” pahayag ni BGen. Peralta.
Paliwanag pa ni Peralta, sa ginawang physical examination, walang indikasyon na nanlaban si Jonson para sa kanyang buhay.
Patunay na walang nangyaring physical confrontation sa kanyang napaulat na boyfriend na si Julian Ongpin.
Bagaman may mga sugat umanong nakita kay Ongpin, lumabas sa imbestigasyon na ito ay resulta ito ng pwersahang pagbukas sa kwarto na kinaroonan ni Jonson dahil hindi na ito nagpaparamdam o wala ng tugon nang ilang oras.
Samantala lumalabas naman sa urine test na positibo sa cocaine si Jonson.
Gayunman, naghihintay pa sila ng resulta sa histopathological examination o pagsusuri sa tissue ni Jonson.
Matatandaan na nagpositibo rin sa cocaine si Ongpin na anak ng bilyonaryong si Robero Ongpin.
Samantala ayon naman kay PNP Chief Police Generalguillermo Eleazar, na nais nilang mabigyang linaw kung ano ba talaga ang nangyari at nakikipagtulungan na sila sa National Bureau of Investigation sa pag-iimbestiga.
Siniguro din ni Eleazar ang pagiging patas ng kanilang imbestigasyon lalo pa at may mga naglulutangan na namang espekulasyon hinggil sa kaso.
” Amid the speculations regarding this case, we appeal to our kababayanto wait for the result of the investigation as we commit that we will continue to update you on the progress of the investigation, at the same time, we assure our kababayan of fairness in the conduct of the investigation in the interest of truth and justice,” pahayag ni Gen. Eleazar.