-- Advertisements --

Napagdesisyunan ng 10 myembro ng Association of Southeast Asian Nations na ituloy na lamang sa pamamagitan ng video link ang ASEAN summit ngayong taon matapos itong suspendihin ng dalawang buwan dahil sa pandemic..

Inaasahang tatalakayin ng mga pinuno ang naging epekto ng COVID-19 outbreak sa ASEAN economy.

Posible ring talakayin ang paksa hinggil sa South China Sea kung saan mayroong territorial claims ang Beijing at ibang ASEAN member countries.

Sa kabila naman ng hinaharap na pandemic ng buong mundo ay pa rin nagpapatinag ang China sa pagsusulong nito ng militarization sa disputed island.

Una nang sinabi ng Beijing noong Abril na nagtayo ito ng dalawang administrative districts sa rehiyon. Ayon sa Center for Strategic and International Studies, sinimulan umano ng isang Chinese ship na suriin ng exclusive economic zone ng Malaysia.

Orihinal na itinakda noong Abril sa Da Nang, Vietnam ang ASEAN summit subalit ipinagpaliban muna ito matapos ang sunod-sunod na pagpapatupad ng travel restrictions ng mga bansa para labanan ang pagkalat ng deadly virus.