Hinatulang makulong ng 10 taon ang asawa ni dating Malaysian Prime Minister Najib Razak.
Napatunayan kasi ng korte na guilty sa tatlong kaso ng bribery si Rosmah Mansor.
Sinasabing tumanggap ito ng $279 milyon na suhol mula sa kumpanya para matuloy ang isang proyekto.
Kilala ang 70-anyos sa hilig nito sa mga alahas at mga mamahaling kagamitan.
Noong nilusob kasi ng mga kapulisan ang bahay nito sa taong 2018 ay nakita doon ang gold at diamond na kwintas na nagkakahalaga ng $1.6 million, 14 na tiaras at 272 na Hermes bags.
Napaluha naman si Mansor ng basahin ni High Court Judge Zaini Mazlan ang kaniyang hatol.
Bukod sa pagkakakulong ay pinagbabayad siya ng 970 milyon ringgit.
Bukod pa sa nasabing kaso ay nahaharap din siya ng 17 counts ng money laundering at tax evasions kung saan naghain na ito ng not guilty plea sa nabanggit na mga kaso.