-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Pormal nang inilunsad ang isang art exhibit sa bayan Midsayap Cotabato kung saan tampok ang iba’t ibang disensyo ng mga tricycle sa Mindanao.

Ito ay ang MinTODA Art Exhibit na gawa mismo ng isang kilalang visual artist na si Leonardo Rey Bing Cariño.

Naka-display ang 10 iba’t ibang klaseng artwork ng tricycle sa kahabaan ng Quezon Ave. sa harap mismo ng Southern Christian College (SCC).

Ito ay bilang pagbibigay-pugay sa mga tricycle drivers at operators.

Ang tricycle ay isa sa mga kilalang uri ng transportasyon sa ilang bahagi ng Mindanao.

Ngayong taon, ang Midsayap lamang ang natatanging bayan na napabilang sa MinTODA Art Project kung saan ang iba sa mga ito ay makikita na sa mga siyudad na kinabibilangan ng Pagadian City, Tagum City, Koronadal City, General Santos City at Davao City.

Ikinagagalak naman ng lokal na pamahalaan ng Midsayap na kabilang ang bayan sa mga napili upang masilayan ang natatanging likhang sining ng MinTODA.

Ginanap ang ceremonial launching ng MinTODA Art Exhibit kaninang umaga sa pangunguna ng Souther Christian College na dinaluhan ni Tourism Officer Fersan-Jocel Sawit, Committee Chair on Tourism Councilor Justine Clio Marquez-Ostique kasama ang mga miyembro ng Local Culture and Arts Council na sina Maechille Quiñones, Eugene Cañadilla at Redentor Alejado.

Masisilayan ang MinTODA Art Exhibit hanggang sa Oktubre 31, 2020.