Mabilis umanong nakarekober si Arnold Schwarzenegger matapos sumailalim sa operasyon sa kanyang puso.

Ayon sa 73-year-old action star at dating California governor, “feeling fantastic” na siya na nakakapaglibot na uli sa downtown ng Cleveland.

“I have a new aortic valve to go along with my new pulmonary valve from my last surgery. I feel fantastic and have already been walking the streets of Cleveland enjoying your amazing statues. Thank you to every doc and nurse on my team!” caption nito sa kanyang larawan nito.

Taong 2018 ang unang heart surgery ng “Terminator” star kung saan kinailangang palitan ang tinatawag na pulmonic valve nito at ngayong taon ay mayroon na rin aniyang bagong aortic valve. (OMG)