Arnell Ignacio

Nagdiriwang ngayon si Arnell Ignacio dahil sa pagtatapos nito sa kolehiyo.

Nitong Huwebes ay ibinahagi ng 55-anyos na komedyante sa kaniyang social media ang pagtatapos nito sa University of Makati sa bachelor’s degree in Political Science with a major in Local Government Administration.

Isinagawa ang graduation ceremony sa Philippine International Convention Center.

Sinabi nito na huling graduation niya ay noong nagtapos siya ng high school sa taong 1981.

Naging sulit ang lahat ng hirap aniya dahil sa mga magulong schedule niya.

-- Advertisement --

Noong 1980 ay nag-aral ito sa University of the Philippines College of Music major in composition and conducting at naging bahagi siya ng Philippine Madrigal Singers ganun din ang Repertory Philippines.