-- Advertisements --

Isiniwalat ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac ang umano’y iregular na pagbili ng lupa na nagkakahalaga ng P1.4 bilyon sa ilalim ng dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator na si Arnell Ignacio.

Sa panayam sa kalihim, sinabi nito na walang pahintulot mula sa OWWA Board of Trustees ang naturang transaksyon na gagamitin sana para sa halfway houses ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ibinunyag din ng ahensya na ginamit umano ang emergency repatriation fund na dapat ay para sa pagpapauwi ng mga OFW sa oras ng krisis, nang walang pag-apruba ng board. Bukod pa rito, may mga umuupa sa lupa, at ang 52 condominium units na bahagi ng deal ay nadiskubreng na-demolish na.

Ibinunyag pa ni Cacdac na ginamit umano ang emergency repatriation fund na dapat ay para sa pagpapauwi ng mga OFW sa oras ng krisis, nang walang pahintulot ng board. Bukod pa rito, may mga umuupa din daw sa lupa, at ang 52 condominium units na bahagi sana ng deal ay nadiskubreng na-demolish na.

Lumabas din aniya na OWWA pa ang nagbayad ng buwis na dapat sana ay sagot ng nagbenta, na tinatayang aabot sa P36 million.

Ayon pa kay Cacdac, iniimbestigahan na rin ang ibang opisyal ng OWWA na sangkot umano, kabilang ang deputy administrator, at posible ring kasuhan ang realty company na nagbenta ng lupa.

Sa kabila ng pagtanggi ni Ignacio at pahayag na dumaan sa tamang proseso ang transaksyon, sinabi ni Cacdac na hindi ito naipresenta sa OWWA board, na malinaw na paglabag aniya sa mandato ng ahensya.

Sa ngayon, inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa mga sangkot sa tinaguriang “anomalous land deal.”