Mike Pompeo
US Secretary State Mike Pompeo/ IG post

Pinatawan ng sanctions ng US ang army chief ng Sri Lanak dahil sa paglabag sa karapatang pantao.

Sinabi ni US Secretary of State Mike Pompeo, na naging seryoso at totoo ang alegasyon laban kay Lieutenant General Shavendra Silva.

Kabilang sa mabigat na alegasyon ay ang extrajudicial killings noong 2009 na dokumentado rin ng United Nations.

Dahil dito ay pinagbabawalan si Silva at pamilya nito na pumasok sa US.

Nanguna si Silva sa paglaban sa mga Tamil Tiger rebels na nagtapos sa 26-taon civil war na hanggang 2009.