Reading Time: 1 minute

GENERAL SANTOS CITY – Nahuli ng pinagsanib pwersa ng pulisya ang isang mestizo Arabo na itinurong drug courier mula sa Sultan Kudarat .

Kinilala ni Lt. Col. Teody Condeza, spokesperson ng Sarangani Provincial Police ang nahuling suspek na si Hamed al Rabani 24 residente ng Doña Soledad, subdivision, Barangay Labangal nitong lungsod.

Ayon kay Condeza na pauwi na ang suspek galing ng Libua, Palembang Sultan Kudarat ng kumagat sa pain para ihatid ang dala nitong druga sa poblacion Maasim Sarangani.

Dagdag ng opisyal na nakuha mula sa suspek ang isang malaking sachet sa pinagdudahang shabu na may market value na P15,000, shabu paraphernalia at isang pakete ng marijuana.

Nakilala ang suspek matapos pinagkanolo ng kanyang kasama na unang naaresto ng pulisya sa isa ring drug bust operation.

Ayon sa opisyal na matagal na nilang minomonitor ang half Arab Pinoy na mas nakilala sa sa alias nito na mestizo Arabo sa pagbitbit ng druga papasok ng probinsiya ng Sarangani.