Welcome sa pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang napaulat na pagkakapili ng Pangulong Rodrigo Duterte kay Central Command commander Lt. Gen. Noel Clement para maging ika-52 na chief of staff.
Ayon kay AFP spokesperson B/Gen. Edgard Arevalo, si Clement ay may malawak na karanasan na angkop sa pagtugon sa mga hamong kasalukuyang kinakaharap ng AFP.
Partikular dito ang pagpulbos sa local communist insurgency, pagsupil sa terorismo sa Mindanao, at ang maayos na implementation ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sinabi ni Arevalo, si Clement ay isang respetado at bihasang commander na may kahanga-hangang “track record” sa iba’t ibang posisyong hinawakan nito sa Luzon, Visayas At Mindanao.
Si Clement ay kilala ng kanyang mga nakatataas, kasamahan at tauhan bilang isang “team player” na tahimik at propesyunal na magtrabaho.