-- Advertisements --

Muling binuksan ng Department of Transportation ang aplikasyon para sa consolidation ng lahat ng mga public utility vehicles sa bansa.

Ito ay sa ilalim ng Public Transport Modernization Program ng gobyerno na layong mapaganda ang transport system sa Pilipinas.

Ayon sa ahensya , nakapaloob sa Department Order No. 2025-009 na pinirmahan ni Transportation Secretary Vince Dizon ang ilang mga panuntunan para sa mga individual operators at drivers na hindi pa nakikilahok sa consolidation program.

Sakop ng kautusang ito ang mga public utility jeepney maging ang mga UV Express operators na nabigong magpa consolidate.

Bukod dito ay cover rin nito ang may mga kasalukuyang aplikasyon o motion to accept consolidation at may mga unit na kinumpirma ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board at nakarehistro sa LTO para sa taong 2023 o 2024.

Layon ng programa na pinasimulan noong 2017 at palitan ng mga Euro 4-compliant engine ang mga pampasaherong jeep upang mabawasan ang polusyon.

Makatitiyak rin na ligtas na gamitin ang mga sasakyan sa kalsada upang maiwasan ang anumang uri ng aksidente. (report by Bombo Jai)