-- Advertisements --

Hindi pinaburan ng Bacoor Regional Trial Court (RTC) ang apila ng aktor na si Archie Alemania sa unang hatol ng korte na guilty.

May kinalaman ang kasong acts of lasciviousness na isinampa ng aktres na si Rita Daniela.

Unang inilabas ang hatol noong Oktubre 2025 sa Branch 2 ng Municipal Trial Court sa Bacoor City.

Magugunitang isinampa ng aktres ang kaso noong Oktubre 30, 2024 sa Prosecutors office ng Bacoor.

Nagbunsod ito ng ihatid ng aktor ang aktres sa bahay nito noong Setyembre 2024 subalit ito ay kaniyang binastos.