-- Advertisements --

Hinatulang guilty ng korte sa Bacoor, Cavite ang aktor na si Archie Alemania sa kasong acts of lasciviousness na isinampa laban sa kanya ng aktres na Rita Daniela.

Pinatawan si Archie ng hanggang isang taong pagkakakulong at pinagbabayad din ng P20,000 bilang civil indemnity at P20,000 bilang moral damages.

Ayon sa abogada ni Rita na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, masaya sila sa naging desisyon ng korte at aniya, “Rita fought and she attained justice.”

Maalalang nag-ugat ang kaso sa insidenteng naganap noong 2024, matapos ireklamo ni Rita ang aktor dahil umano sa panghahalay at mga malaswang pahayag habang sila ay magkasama sa isang sasakyan pauwi mula sa isang event.

Ibinahagi rin noon ni Rita ang screenshot ng kanyang message kay Archie matapos ang insidente, kung saan sinabi niyang siya ay “na-disrespect at na-violate.” Sa nasabing mensahe, makikita ring humihingi ng paumanhin ang aktor at sinabing siya ay lasing noong oras na ‘yon.