-- Advertisements --

Naghain ng not guilty plea ang actor na si Archie Alemania sa kasong acts of lasciviousness na isinampa sa kaniya ng singer at actress na si Rita Daniela.

Pinagbigyan din ng korte sa Bacoor, Cavite ang hiling ng actor na huwag ng pag-usapan sa publiko ang kaso.

Hindi na nagbigay ng anumang reaksyon ang kampo ng actor.

Magugunitang naglabas ng warrant of arrest ang korte laban sa actor.

Nagbunsod ang kaso noong nakaraang taon ng hawakan umano ng actor ang mga maseselang katawan ng actress.