Mariing kinondena ng mga pinuno ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) ang digmaan sa Ukraine at nanawagan para sa “kumpleto at walang kondisyong pag-alis” ng mga puwersa ng Russia mula sa teritoryo ng Ukraine.
Batay sa 2022 Leaders’ Declaration, binigyang-diin ng mga pinuno ng APEC na kanilang “kinalulungkot sa pinakamalakas na termino ang pananalakay ng Russian Federation laban sa Ukraine, na nagdudulot ito ng matinding pagdurusa ng mga tao at nagpapalala sa mga kasalukuyang kahinaan sa pandaigdigang ekonomiya na pinipigilan ang paglago, pagtaas ng inflation, pagkagambala sa mga supply chain, pagtaas ng enerhiya at kawalan ng seguridad sa pagkain, at pagpapataas ng financial stability risks.
Ipinag-utos din ni Russian President Vladimir Purin ang nuclear alert habang mahigpit na nilabanan ng Ukraine ang pagsalakay ng Russia.
Inihayag nito na ang APEC ay hindi ang forum upang lutasin ang mga isyu sa seguridad kinikilala nito ang mga isyu na maaaring magkaroon ng makabuluhang kahihinatnan para sa pandaigdigang ekonomiya.
Ang Russia ay miyembro ng 21-member trade at economic cooperation, ngunit hindi dumalo si Russian President Vladimir Putin sa APEC Summit ngayong taon sa Thailand at nagpadala lamang ng isang kinatawan.
Ang walong buwang gulang na pagsalakay ng Russia sa Ukraine ay nagdulot ng mapaminsalang pagtaas sa pandaigdigang presyo ng pagkain at enerhiya, nagdulot ng milyun-milyong higit pa sa kahirapan.
Sinabi ng US na ang pagsabog ng missile sa Poland ay malamang sanhi ng Ukraine G20 rues economic impact ng Ukraine.
Ang Ukraine ay isa sa mga nangungunang top grain producer sa mundo, at ang pagsalakay ng Russia ay humarang ng 20 milyong tonelada ng butil sa mga daungan.
Dumating din sa punto na ang United Nations at Turkey ay nakipag-ugnayan sa isang deal nuong buwan ng Hulyo na nagbibigay ng safe passage sa mga shipments.