Nakatakdang isasailalim pa umano sa final review ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Terrorism Bill.
Ginawa ni ni Presidential Spokesmann Harry Roque ang pahayag sa gitna ng kaliwa’t kanang panawagan ng publiko na ibasura ang panukalang batas dahil sa umano’y posibleng pag-abuso sa mga karapatan ng mga Pilipino.
Sinabi ni Sec. Roque, bagama’t sinertipikahan ni Pangulong Duterte bilang urgent measure ang panukalang ito, hindi umano nangangahulugang otomatiko nang pipirmahan ni Pangulong Duterte ang Anti-Terrorism Bill sa oras na makarating ito sa kanyang lamesa.
Ayon kay Sec. Roque , subject for final review pa ito ng pangulo.
Inihayag ni ni Sec. Roque na ipaubaya na sa korte ang lahat ng pangamba sa nasabing panukalang batas kung may paglabag ito sa Saligang Batas.
Samantala, nilinaw rin ni Sec. Roque na walang koneksyon ang Anti-Terrorism Bill sa suspensyon ng terminasyon ng Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas at ng Estados Unidos.