-- Advertisements --

Lalo pang bumaba ang antas ng tubig sa Angat Dam habang nasa kasagsagan ng summer.

Batay sa data ng state weather bureau na inilabas ngayong araw, bumagsak na sa 180.55 meters ang lebel ng tubig sa naturang dam.

Ito ay 40 centimeters na mas mababa kumpara sa antas ng tubig ng dam nitong nakalipas na araw na nasa 180.94 meters.

Isang araw bago nito ay nasa 181.35 meters pa ang antas ng tubig sa naturang dam ngunit nabawasan din ito ng 40 centimeters.

Nasa 210 meters ang normal high water level (NHWL) ng naturang dam at bago ang summer ay lumagpas pa rito ang bulto ng tubig nito.

Ang Angat ang nagsusuply ng hanggang 90% ng malinis na tubig sa milyon-milyong water consumer sa National Capital Region atbpang lugar sa Greater Manila Area. (report by Bombo Jai)