-- Advertisements --

Naiabot na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 ang tulong sa anim na mangingisdang napaulat na nakaligtas matapos na tumaob ang kanilang bangka sa Santa Ana , Cagayan dulot ng bagyong Nando.

Una nang napaulat na anim lamang mula sa kabuuang 13 na sakay ng bangka ang nakaligtas sa insidente.

Kaagad namang isinailalim ang mga sa Psychological First Aid session upang matulungan silang maka rekober mula sa posibleng trauma na dinanas nito sa pangyayari.

Nabigyan rin ang mga ito ng tig-₱3,000 cash aid mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng ahensya.

Nakapagbigay rin ng tulong pinansyal ang DSWD Region 2 sa 21 pang stranded na mangingisda.

Ang mga ito ay nagmula sa CALABARZON at Bicol Region na nakisilong kasama ang anim na nakaligtas na mangingisda.