-- Advertisements --

Ikinagalak ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ang pag-apruba ng P961.3 billion budget ng kagawaran.

Ayon kay Angara, ang pondo ay magbibigay ng mas maraming suporta sa mga guro, mas maraming oportunidad para sa mga kabataan, at magsusulong ng mas matibay na pundasyon sa pagtuturo.

Ang bagong budget ay dinagdagan ng P86.8 billion mula sa orihinal na alokasyon nito na P874.5 billion sa National Expenditure Program.

Ayon kay Nueva Ecija Rep. Mikaela Suansing ng House appropriations chairperson ang 2026 budget sa edukasyon ang pinakamataas sa kasaysayan ng bansa.

Batay sa report ng bicameral conference committee, P57.3 billion ang ilalaan para sa Basic Education Facilities Program na magpopondo sa konstruksyon ng 40,000 bagong classroom sa susunod na taon.