BUTUAN CITY- Tanggap ni Anecita Pomoyna pang-apat lamang ang kanya anak na si Marcelito sa America’s Got Talent: The Champions Finale kanina.

Sa ekskulsibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, sinabi ni Anecita na tanggap niya ang na-abot sa kanyang anak dahil ang mas mahalaga na karangalan pa rin sa Pilipinas ang na-abot ng kanyang anak lalo na dinala nito ang bandila ng bansa.

-- Advertisement --

Ipinagmalaki nito na minana sa pamilyang Castro ang talento na may magandang boses si Marcelino gaya sa kanya.

Dagdag pa nito na kaya niyang kumanta at tumutugtug ng gitara at nagbigay pa ito ng sample sa kanyang boses esklusibo lamang dito sa Bombo Radyo.