Jerwin Ancajas

Hindi muna iniisip ni IBF superflyweight champion Jerwin Ancajas ang susunod nitong laban matapos ang matagumpay nitong panalo sa Japanese challenger na si Ryuichi Funai sa Stockton.

Ayon sa kaniyang trainer na si Joven Jimenez, abala muna sila sa pagdiriwang matapos ang panalo.

Nakatakdang bumalik sila sa bansa sa darating na Mayo 14.

Nauna rito may mga rekomendasyon na si Top Rank CEO Bob Arum na susunod na makakalaban ni Ancajas at ito ay sina Australian boxer Andrew Moloney at WBC Juan Francisco Estrada ng Mexico.